Ano ang Dahilan ng Pagkamatay ni Rico Yan?
Si Ricardo Carlos Castro Yan o mas kilala sa Pangalan “Rico Yan” sa showbiz ay isang sikat na matinee Idol mula noon taong 90’s hanggang taon 2002. Siya ay ipinanganak noon March 14, 1975 sa The Medical City na matatagpuan sa Mandaluyong, Philippines. Siya ay kilalang mahusay , malambing at mabait na aktor sa kanyang henerasyon. Lumaki si Rico sa pamilya na binubuo ng mga sundalo at mga negosyante. Siya ay anak nina Roberto Yan Sr., Isang Filipino-Chinese mula sa Metro manila at Teresita Castro Yan, Isang Ilokana na nagmula sa Laog, Ilocos Norte.
Si Rico ay bunso sa apat na magkakapatid. Siya ay apo ni Manuel Yan Sr. na noon ay isang Chief Of Staff ng Armed Forces of the Philippines.
Siya ay nagtapos ng Marketing management Sr. sa De LaSalle University (Taft) .
Noong 1995, Si Rico ay natuklasan ng isang talent scout sa isang fast food sa La salle. Nilapitan siya nito at itinanong kung gusto maging isang commercial model. Pumayag si Rico at napasabi ng “yah, right” at una siyang lumabas sa commercial na “Eskinol Master Cleanser (Main man)” hanggang sa nasundan pa ito ng ilang mga commercials katulad ng “Talk N’Text” (First Endorser,2000) at “Nissin Eggnog”. Pagkatapos siya ay inofferan ng Abs Cbn president of Talent Center and Star Maker na si Johnny Manahan kung gusto niya ba magkaroon ng pelikula. hindi naman nagdalawang isip si rico na pumayag at pumasok sa show business. Siya ay minanaged ni Biboy Arboleda (an amateur but very promising figure in talent management). Naging subject din si Rico ng isang photo exhibit ng Tony’s Art Studio. Pinalad si Rico na makasama sa isang grupo ng mga bagong artista ang Abs Cbn talent center.
Habang inuaudition, isa sa mga direktor na nagsabi na nag stand out daw talaga ito dahil napakagwapo, napakatalino at napakagaling raw ni Rico sa workshop. Binibigay daw talaga ni Rico ang best performance niya when it comes to acting. Isa si Rico sa member ng 8 members ng Star Circle batch one na ni launched noon 1996.
Napabilang si Rico sa afternoon tv show at title na gimik. Napasama din Siya sa Top Rated noon time show na “sang linggo na po sila” mula 1996-1998 sa sarili niyang segment na “Ricollection”. Memorable at Nakakatawa ang mga production numbers ni Rico dito dahil madalas siyang kumanta ng wala sa tono at parehas kaliwa pa ang paa kung sumayaw. Dahil rito binansagan siyang young version ni Jim Paredes pag sumayaw. Bagama’t hindi man kagalingan si Rico sa pagkanta at pagsayaw , magaling naman ito sa pag arte. Yun lamang noong bago pa siya sa showbiz, nakakatatlong beses siya magtake dahil ito raw ay madalas mabulol sa linya mahabang tagalog dahil sanay daw ito sa pagsalita ng wikang English. Si Rico yan ang kauna unahang naging featured artist sa Star Drama Presents ng kanilang batch sa Star Circle mula March 1997-1998.
Nanatili siyang main stayed ng Top rated soap operas katulad ng “Mula sa Puso” mula 1998 hanggang April 1999 at “Saan ka man Naroroon” mula April 1999 hanggang March 2001.
Taon April 2000, Habang unang endorser ng Talk n’ Text, Si Rico ay naging parte ng sikat na wacky trio ,”Whattaman” kasama sila Dominic Ochoa at Marvin Agustin.
“Hindi pwede yung, pwede na yan. Kelangan, palaging do your best. Kasi kapag ginawa mo yun, kapag yun ang prinsipyo mo sa buhay mo, kapag nagkamali ka sa buhay mo, kunware may nangyaring di kanais-nais at nahulog ka, natumba ka. Atleast masasabi mo na, I did my best” – RICO YAN
Ayon kay Charo Santos, madalas daw ito pumunta sa kanyang opisina , baon ang maraming tanong tungkol sa kanyang career at katulad ng ibang binatang lalaki, at may insekuridad din raw ito sa sarili. kaya naman inaadvisan niya ito na mahalin ang ginagawa at magtrabaho mabuti at mamahalin din ito ng karamihan.
1998, Mas lalo naging kilala si Rico Yan sakanilang Pelikula ng kanyang Ex-Girlfriend na si Claudine Baretto ang “Dahil mahal na mahal kita” by Wenn Deramas , “Paano ang Puso ko” at “Kay tagal kitang hinintay” by Rory Quintos.
Si Rico ay most printed face dahil sa kanyang mga print ads ay naging most watched face pa ito sa kanyang television commercials.
Si Rico Yan ay Pumanaw noon March 29, 2002 habang nagbabakasyon sa Dos Palmas Palawan, Puerto Princesa.
Siya ay natagpuan ng kanyang matalik na kaibigan artista na si Dominic Ochoa , Holy Week bandang alas nuwebe ng umaga na wala ng buhay. Ayon sa kanya naalimpungatan siya bandang alasais ng umaga at naririnig na humihilik ito ng malakas at nang gigisingin niya na ng bandang alas nuwebe ng umaga, malamig na ito. Ano ang Dahilan ng Pagkamatay ni Rico Yan? Ayon sa Autopsy, ang dahilan ng kanyang pagkamatay ay cardiac arrest due to acute hemorrhagic pancreatitis o “bangungot”.